sunog na daw ang narra, sabi ng balita kanina sa tv. nakakalungkot isipin, ang daming mga utak na isinilid ng munting residence hall. abo na lang ang natira, abo na darating din ang panahon eh patutunguhan din nating lahat. babay narra. you've been a very good home.
may mga namatay daw sa parada ng poong nasareno sa may quiapo kanina. dalawa ang huli kong dinig, at malamang, pareho itong mga deboto ng mahal na nasareno. nakakapanlatang isiping may mga taong malulungkot dahil sa mga taong nais lamang magkapag-asa kahit sansaglit lang sa pamamagitan ng pamamanata sa isang poon na minahal nila higit pa sa mga buhay nila.
nitong mga nakaraang mga araw, may kakaibang lamig ang dulot ng simoy ng hangin dito sa parteng ito ng planeta. lamig na nanunuot hindi lamang sa balat kundi pati sa mga pusong walang ibang hinangad kundi ang lumigaya at makitang maligaya ang mga nagpapaligaya sa kanila. mapupurol na titig sa kawalan ang laging sagot sa mga matang hindi alam kung bakit sa kung saan pa napa...