Quantcast
Channel: Image Not Available
Viewing all articles
Browse latest Browse all 23

huling pag-uusap

$
0
0
tinanong kita,

"naniniwala ka ba sa walang hanggan?"

sabi mo, "oo"
ang lahat ay hindi nagtatapos sa huling paghuli
ng hininga.
may uuwian ang bawat isa
pagkatapos ng paglisan.

tinanong mo ako,

"ikaw?"

sabi ko "hindi"
di maiimbento ang salitang katapusan
kung lahat walang hangganan.
ang lumipas ay magiging bahagi na lamang
ng lulumuting kasaysayan.

"panay naman ang kontra mo", sabi mo

sabay pagpaparinig ng animo'y halik.

"paano iyan, walang hanggan kitang mamahalin."



Viewing all articles
Browse latest Browse all 23

Trending Articles